Posts

R-18

SOBRANG KAPANGYARIHAN

Image
ONCE AGAIN             Ayusin N’yo ang Salansan. Putang-ina! Kapag ‘yan nahulog, babasagin Ko ang mga bungo n’yo! Teka! Ilang Ulit ko bang sasabihin na ihiwalay ang Mga libro natin sa libro ng mga putang-ina! Ba’t Nandito pa ‘tong Bamboo in the Wind ni Azucena Grajo Uranza? ‘Diba ipinatapon ko na ‘to? At saka itong Dakada ‘70 At Desaparesidos ni Lualhati, Hindi pa pala ito nasusunog? Lintik na Time in a War Place naman ‘yan! Sino ba si Jose Dalisay? Isa pa ‘tong The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos, napakasinungaling ng mga  Pinagsasasabi rito ni Mijares. Itapon n’yo ‘yan. Ay hindi! Hindi sapat ang basta itapon   Lang, Gusto kong Makitang abo. Teka! Ano pa ‘to? Marcos Martial Law: Never Again…putang-ina Talagang Raisa Robles ‘yan! Saka itong si Gina Apostol – Gun Dealers’ Daughter niya mukha niya! Sino ba ang mga ‘to: Katrina Tuvera, Susan At Nathan Quimpo, Ferdinand Llanes, Jose Lacaba, Ninotchka Rosca, Jessica Hagedorn, Eric Gamalinda  At Jun Cruz Reyes (matandang